Nakagawa na si Alice Dixson ng love scene sa pelikula pero kakaiba ang ginawa niya sa pelikulang “Nuuk”. May eksena siyang pumatong kay Aga.

“It was tastefully done. It was actually passionate. It was tender,” aniya.

Kailangan din daw ang eksenang iyon dahil hinihingi ng kanyang character.

Sa Dakak daw kinunan ang kanilang love scene ni Aga dahil doon na-consummate ang longing nila ni Mark Alvarez (Aga) sa isa’t isa, isang kapwa Pinoy na nakilala niya sa Nuuk sa Denmark.

Sey pa ni Alice, nagustuhan niya ang role niya sa obrang ito ni Veronica Velasco dahil naipakita niya ang pinagdadaanan ng isang taong dumaranas ng depresyon.

At 50, fabulous pa rin si Alice at ibinahagi niya kung paano niya napapanatili ang kanyang vibrant look at beautiful body despite the years.

“Siguro, it’s just having a positive outlook in life. Actually, ‘yung katawan mo lang naman ang nag-iiba, pero deep inside, nandoon pa rin ‘yung mentality mo. So, it pays to be positive despite the challenges na nararanasan mo in life,” pagtatapos niya.

Ang “Nuuk” ay isang psychological thriller na palabas na sa mga piling sinehan simula sa Nobyembre 6. (Archie Liao)