Palaban pa rin ang kaseksihan ni Bianca Manalo. Kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga batang dyosa ng kagandahan.
In fairness naman sa kaseksihan ng aktres, para itong alak na habang tumatagal ay lalong sumasarap.
Nakakalasing talaga ang alindog ng “FPJ’s Ang Probinsyano” star.
Sa hubog na lang ng pigura nito, iikot na ang tingin ng mga kalalakihan na makakakita ng kanyang kaseksihan.
Ang kagandahan niya ay pinag-aagawan. Sa taglay nitong kaseksihan ay matatagalan pa bago mapantayan ng sinuman ang gaya ni Bianca.
Lalamon muna ng alikabok at kakain ng bigas bago siya matalbugan. Natatangi ang kanyang karisma. (Rey Pumaloy)