Naghatag ng depensa ang Malacañang kaugnay sa kinukuwestiyong pag-angkas ng sangkaterbang gabinete at iba pang personalidad sa official visit­ sa Russia ni Pangulong Rodrigo kamakailan.

Nauna nang inihayag ni Senador Grace Poe na balak nitong isulong ang pag-ungkat ng Senado sa usapin.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto­ Abella, iginagalang ng Palasyo ang prerogative ni Sen. Poe na maglunsad ng imbestigasyon. Pero­ iginiit ng tagapagsalita ng Palasyo na importante ang papel ng delegasyon na sumama sa Russian trip ni Pangulong Duterte.

Kabilang sa official delegation ni Pangulong Duterte sa Russian trip ay sina Senate President ­Aquilino Pimentel­ III, Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano, Finance Secretary Carlos Dominguez, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Public Works Secretary Mark Villar, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Health Secretary Paulyn Ubial­ gayundin sina Trade Secretary Ramon Lopez, Tourism Secretary Wanda Teo, Transportation Secretary Arthur Tugade, Science and Technology­ Secretary Fortunano dela Peña, Energy Secretary Alfonso Cusi, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, Communications Secretary Martin Anda­nar, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go at Sen. Sherwin Gatchalian.

Umangkas din sa Russian trip ng Pangulo sina PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

Kasama rin ng Pa­ngulo ang kanyang common-law wife na si Ma­dam Cielito ‘Honeylet’ Avanceña, anak nilang si Kitty at maging si Presidential son Baste Duterte.

Bukod sa 300 mi­yembro ng business de­legation, naispatan din ng media na kasama sa biyahe sa Russia ni Pa­ngulong Duterte ang aktor na si Robin Padilla.

15 Responses

  1. sa mga binangit na mga sandamakmak na kasama, hindi pa kasali dyan yung mga asawa at kabit….. kawawa naman ang mga nagugutom at naghihirap na pinoy ,,,,,,,,itong mga nabangit at may mga pera yan……….

  2. Tangalin na lang ang senado wala naman pakinabang ang bayan. Dapat sinisipa na sina trillanes, si fiking activista si hont, de Lima, Kiko, at drilon.

    1. kasama ba sila sa entourage ni Idioterte papuntang Communist russia! stoooopid! ang laki rin ng sayad ng yutak mo ano! ano ang koneksiyon nila Trillanes, Hontiveros, DeLima at Drillon sa artikulong ito! Stupid turd!

      Walang pinagkaiba sa rehimen ni Marcos, sangkatutak na tsimoy ang kasama pagpunta sa ibang bansa. Bakit kaya hindi nila subukang pumunta sa Amerika! Hmmm! papasukin kaya ng bureau of custom and Immigration ang mga ito Tsk tsk…malamng hindi!..lol

      1. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng socialist? baka naman ang tinutukoy mo ay ang dating Union Socialist of Soviet Russia. Hindi pa patay ang kumunista, dahil sa Tsina ay hindi bumoboto ang mga tao.

        The President is elected by the National People’s Congress (NPC), China’s highest state body, which also has the power to remove the President and other state officers from office. Elections and removals are decided by a simple majority vote.

  3. Hinay hinay Lang sa pag gastos sa pera ng bayan. Ipaliwanag niyo nga kung bakit pati mga anak at artista ay pinababayaan ninyong waldasin ang pera ng bayan? Ang kakapal ng mga mukha ninyong magsasalita laban sa korupsyon pero kayo mismo ang pinaka korup.

    1. akala siguro ni digunggong na pamamasyal ang aatupagin nila dun kaya lahat ng sumasampalataya sa kanya e sinama nya. kulang pa nga yan, nagpa praktis ng boxing yung isa.