Patay ang isang security officer matapos pagbabarilin ng isa sa kanyang mga guwardiya sa loob ng compound ng kanilang binabantayang hotel sa Batangas City.
Hindi na umabot sa pagamutan ang biktimang si Florante Aguilar, 42, habang nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Eric Radam.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng comfort room ng Pontefino Hotel and Residences ang biktima nang sundan ito ng suspek.
Gamit ang service firearm na caliber 38 revolver, ilang beses na pinagbabaril ng guwardiya ang bisor nito.
Ayon sa pulisya, matagal ng alitan ng dalawa hinggil sa trabaho ang motibo sa krimen.