Isa sa mga dahilan kung bakit­ pumasok sa PBB Otso si Aljon Mendoza ay dahil pangarap niyang maging isang artista.

 

 

 At matutupad na ang panga­rap niya, dahil makakasama siya sa bagong serye ng ABS-CBN 2, ang Sandugo, na pagbibidahan nina Aljur Abrenica, Ejay Falcon. Gaganap siya bilang kapatid ni Elisse Joson.

 

 

Nu’ng nasa loob pa siya ng PBB House, ano ang masasabi niyang pinakamagandang na-experience niya rito?
“Nakahanap po ako ng bagong pamilya na hindi ko naman po kaano-ano. Sobrang magkakalapit po kami ngayon. Isang tawag lang po,alam po naming na nandito lang kami para sa isa’t isa,” sagot niya.

 

 

Ano naman ang pinakamahirap na naranasan niya nu’ng nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya?

 

 

“Pinakamahirap po talaga sa akin, ‘yung na-homesick ako. Na-miss ko po ‘yung pamilya ko, kasi hindi ko sila nakikita, kahit boses, kahit ani­no, wala po akong makita sa kanila. Lagi ko pong naaalala ‘yung pamilya ko. Naiisip ko po kung kamusta na sila. Sobrang hirap po nu’n sa feeling, na kailangan mong gawin, kahit hindi mo sila makita para sa pangarap mo,” sambit niya.

 

Ano ang mga bagay na hindi niya na nagagawa ngayon mula nang maging housemate siya ni kuya?
“Hindi ko na po nakakasama ‘yung mga kaibigan ko,”sagot niya.

 

Sino ba ang showbiz crush niya, na gusto niyang makatrabaho in the future?

 

“Si Ylona (Garcia) po. Pero siyempre, kung sakali pong magkaru’n ako ng partner, gusto ko po si Karina (Bautista, na isa ring teen housemate sa PBB Otso, na kasama sa Big 4). Kasi po, since day 1, siya na po ‘yung kasama ko sa PBB,” pakli pa niya.

 

Nakausap namin si Aljon sa get together ng kanyamg mga tagahanga. Sa pag-imbita ng ­aming kaibigang si Chams Gonzales.