Mananatili sa Ginebra si Aljon Mariano, binigyan ng Gin Kings ang 26-anyos na forward ng panibagong three-year contract.

Napahaba ang playing time ni Mariano nitong eliminations ng PBA Governors Cup nang maging 10 lang ang nasa active rotation ni coach Tim Cone dahil sa injuries nina Joe Devance at Sol Mercado.

Sa 11 games, nag-average si Maria­no ng 8.7 points, 4.5 rebounds at 1.8 assists.

Personal pick ni Cone si Maria­no mula UST noong 2015 Draft, 16th overall ng Gin Kings.

Bahagi si Mariano ng huling tatlong kampeonato ng Gins, latest ang inagaw na Commissioner’s Cup crown mula sa dating defending champion San Miguel Beer.