HATI ang atensyon ni Aljur Abrenica nang dumalo siya sa presscon ng Ang Probinsyano kamakalawa ng gabi dahil nasa ospital na si Kylie Padilla at nagli-labor.
Nu’ng Miyerkules pa nagkaroon ng contractions ang Kapuso actress pero hanggang sa sinusulat ang column na ito ay nasa labor pa rin ito.
Naka-text namin ang manager ni Kylie na si Betchay Vidanes, at ganu’n pa rin ang kondisyon ni Kylie.
Dinalaw na ito ng mag-asawang Robin at Mariel Padilla. Pero sabi ni Aljur, ang mommy niya at kapatid ang nagbabantay kay Kylie.
Si Kylie na rin daw mismo ang nagsasabi sa kanya na iwan lang muna siya sa hospital dahil kailangang daluhan nito ang presscon ng Ang Probinsyano.
“Halu-halong emosyon sa totoo lang,” pakli ni Aljur nang kinamusta na si Kylie sa kanya.
“Nagkaroon kasi ng matinding contractions si Kylie kahapon nu’ng first taping day ko.
“Sa totoo lang, hati po ‘yung puso ko kung saan ako pupunta.
“Siya na mismo na magsabi na pumunta ako, at ngayon babalik na ‘ko.”
Nagpapasalamat si Aljur sa sunud-sunod na blessings sa kanya. Malapit na siyang maging ama at isa na siyang Kapamilya.
Nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-ABS-CBN 2 lalo na si Coco na nag-welcome sa kanya sa Ang Probinsyano.
Nagkakasabay sila minsan ni Coco sa gym at marami silang napapag-usapan.
“Nagpapasalamat ako dahil kung ano ang mga sinabi sa akin ni Coco nu’n, natatandaan ko pa,” saad ni Aljur.
sana mabigyan si aljur ng lead roles sa abs cbn na gaya ng ginawa sa kanya ng gma. at sana rin mabayaran na niya ang kulang niyang 1.7M sa binili niyang bahay.
Mababayaran din ni Aljur ang P1.7M in due time, malaki ang TF ng ABS-CBN talents. For sure after ng guesting niya sa Ag Probinsyano, ma-full payment na niya ‘yan. Kung nag-stay pa siya sa GMA, hindi niya mababayaran ‘yan. Paltry kasi ang TF sa Syete.