Finally ikinasal na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa Villa Milagros sa Rizal. Mali ang chism na magaganap ito sa Bataan.
Ang hashtag sa kasal ay #AljurKyliEpicAfter.
Eleganteng tingnan at payat si Kylie sa suot na wedding gown.
Biglaan ang naging kasal, maging ang mga fan ay nagulat dahil kahapon na pala ang kasalan.
Napakaganda ng bride sa suot niyang wedding gown na likha ng designer na si Mak Tumang. Kakaiba ang tema ng kasal dahil mala-Victorian era ang setting sa pinaghalong kulay na white and Victorian red.
Mahigit isang taon na rin silang engaged at taong 2017 buwan ng Agosto ay isinilang ang panganay nila na si Alas Joaquin.