Aljur, matindi ang drama

Aljur Abrenica

NAPASABAK si Aljur Abrenica sa matinding drama sa kanyang unang MMK episode na mapapanood mamayang gabi sa ABS-CBN.

Suporta lang dito si Aljur, pero dramang-drama siya sa kanyang mga eksena.

Ang sentro ng istor­ya ng gurong si Pacita (Chanda Romero), ina ni Anton (Aljur Abrenica).
Iniwan man ng asawa, pinagsabay ni Pacita ang pagiging guro at ina.

Sa kanyang pagretiro, kapakanan pa rin ni Anton ang kanyang inisip nang magpatayo siya ng bahay at bumili ng tricycle pampasada para sa anak.

Kaso… nasunog ang bahay.

Kaya bumalik si Pacita sa eskwela at magtrabaho bilang janitress.

Tampok din sa episode sina Jennifer Mendoza, Maricel Morales at Ka­rel Marquez.

***

Kaabang-abang ang kuwento ng lakwatserang sirena sa Daig Kayo ng Lola Ko bukas sa GMA 7.

Syempre pa, may aral ito kaugnay sa pagpapahalaga sa pamilya.

May konek din ito kay Lola Goreng (Gloria Romero) at sa mundo ng mga fairy.