‘Kaloka ‘yung iba sa pagsasabing dapat i-remake ni Aljur Abrenica ang Mirabella na pinagbidahan noong 2014 ni Julia Barretto sa ABS-CBN.

Dapat daw ay gawing male na ‘yung bida.

Sa Mirabella kasi, may sumpa ang character na ginampanan ni Julia.
Nagiging kahoy ang skin niya.

Eh si Aljur ang nagbida sa Machete ng GMA 7 noon at nasabihan siya ng ‘wooden acting.’

In fairness, sabi ng mga taga-FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ay may special role nga­yon si Aljur, magaling daw umarte ang lovey-dovey ni Kylie Padilla.

Keri raw nitong makipagsabayan sa bidang si Coco Martin.

***

NAGKATSIKAHAN kami ni Rocco Nacino kahapon nang tawagan niya kami dahil may kailangan kaming itanong tungkol sa bagong movie niyang Bar Boys.

Marami kasi ang nag-aakalang sexy movie ito dahil sa word na bar, pero tungkol pala ito sa law students.

Barkada movie ito na feel good at hindi ‘yung iniisip ng iba na pelikula tungkol sa mga lalaking tumatambay sa bars at namimik-up ng chicks o kung minsan ay napi-pick-up din ng mga ba­ding!

“Kapag may mga nagtatanong, panay ang explain namin. Feel good movie ito tungkol sa mga magbabarkada na law students at kukuha ng bar exam,” sey ni Rocco.

Nasa taping ng afternoon series na Haplos si Rocco nang tumawag siya sa amin. Kinamusta namin ang leading lady niya na si Sanya Lopez na nali-link sa kanya.

OK daw si Sanya at biglang naalala ni Rocco ang isa sa mga itinanong sa kanya sa launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

“May nagtanong kasi sa akin kung ano ang masasabi ko sa issue na ginagamit ko si Sanya para sumikat.

Rocco Nacino at Sanya Lopez
Rocco Nacino at Sanya Lopez

“Nagulat naman ako sa tanong na ‘yon, pero sinagot ko naman nang maayos.

“Siguro naman kasi, sa 7 years ko sa showbiz, kahit paano, may napatunayan at narating na rin ako.

Kaya hindi tama na sabihing ginagamit ko si Sanya para sumikat,” kuwento ni Rocco.

Sabi namin sa binata, ‘yung ganoong issue ay napagdaanan na niya noong naging girlfriend niya si Lovi Poe na nasa peak ng career nito nang maging sila, at si Sanya ay hindi pa sikat na sikat para gawan siya ng ganoong issue sa bagong kapareha niya sa Kapuso network.

***

Si FDCP head Liza Diño-Seguerra ang nagsusulong sa Pista ng Pelikulang Pilipino at nakasuporta rin sa kanya roon ang asawa niyang si Aiza Seguerra.

Part ng nasabing film fest ang National Youth Commission kung saan ay head si Aiza.

Sa interbyu kay Aiza, ang pangunahing tanong pa rin sa kanya ay ang tungkol sa relasyon nila ni Liza.

In fairness, marami ang tanggap na tanggap ang pagiging mag-asawa nina Aiza at Liza.