Aljur, proud bilang si Hermano Puli ‘Contribution ko ito sa bayan!’

Aljur Abrenica

PROUD si Aljur Abrenica na siya ang napiling gumanap bilang si Hermano Puli, ang kinikilalang ba­yani ng Lucban, Quezon sa pelikulang Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli.

“As an actor, ito ‘yung contribution ko sa bayan. It feels great kasi, Hermano Puli is a forgotten hero, sabi ng marami.

“With this film, our hopes are high, it’s gonna be an accomplishment.

“Accomplishment na ‘yung film itself, eh. Pero we’re excited sa mangyayari ‘pag in-acknowledge na siya as one of our heroes. That’s really the mission of this film eh,” bulalas ng hunky Kapuso actor.

Para kay Aljur ay dapat kilalaning bayani ng bansa si Apolinario dela Cruz a.k.a. Hermano Puli. Bago niya ginawa ang pelikula ay nag-research muna siya sa internet.

Aniya, it’s so frustrating dahil wala siyang makitang detalyado at kumpletong impormasyon tungkol kay Puli.

Nagpunta siya ng Quezon Province for a week at nagtanung-tanong siya sa mga tao roon.
Binasa rin niya ang libro ni Ryan Palad na devoted sa buhay ni Puli.

Base sa pagsasaliksik niya ay walang nakakaalam kung saan ang eksaktong libingan ni Puli dahil tsinap-chop ang katawan nito, na ang ulo ay itinusok sa kawayan.

Ayon kay Aljur, maraming kumukuwestyon sa paniniwala ni Puli dahil may mga anting-anting ito, pero naiintindihan niya ‘yon dahil salat pa sa kaalaman ang mga Pilipino nu’ng panahon na ‘yon. Kaya hindi raw mali si Puli.

Aniya, wala pang Jose Rizal, Andres Bonifacio o Juan Luna ay meron nang Hermano Puli ang Katagalugan.

Dugtong niya pa, may mga nalaman si Puli nu’ng mga panahong ‘yon na nagbukas ng kaisipan ng mga Pinoy tungkol sa relihiyon at sa kalayaan na makapagdasal sa Panginoon, na ipinagdadamot ng mga Espanyol.

‘Yun daw ang walang takot na ipinaglaban ni Puli, ang religious beliefs nito.

Naniniwala si Aljur na dapat maging bayani si Puli dahil sa ginawa nito laban sa mga Espanyol, kung saan namulat ang tatlong paring martir hanggang sa naging inspirasyon ito ni Rizal.

Inalam umano ni Rizal kung saan nanggaling ang paniniwala at pakikipaglaban na ‘yon at nalaman nito na kay Puli. Nakasulat daw ‘yon sa diary ni Rizal.

Bukod sa nauna ito kay Rizal at ito ang naging inspirasyon ng tatlong paring martir (GomBurZa), maging ang Cofradia de San Jose na itinatag ni Puli ay naging isang malaking impluwensiya sa Iglesia Ni Cristo.

Hindi nag-workshop si Aljur sa pelikulang dinirek ni Gil Portes.

Para sa kanya ay mas mahalaga ang immersion at deep understanding of the film. Hindi ‘yung standard ac­ting workshop.