All’s well na ba kay Allwell?

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
12:00 noon — San Sebastian vs. Letran (srs)
2:00 p.m. — Arellano vs. Mapua (srs)
4 p.m. — Perpetual vs San Beda (srs)

Nalagay sa delikadong posisyon ang Mapua Cardinals sa huling laro kontra Emilio Aguinaldo College Generals dahil binangko ni coach Atoy Co ang kanyang pambatong MVP na si Nigerian Allwell Oraeme.

Pahirapan ang panalo ng Mapua sa dahil tatlong puntos lang nagkatalo, 70-67.

Malinis sa apat na laro ang Cardinals at puntirya ang panlimang pa­nalo para manatili sa tuktok ng standings sa 92nd NCAA men’s basketball tournament.

Walang kumpirmasyon mula kay Co, wala pang kasiguruhan kung gagamitin na sa laro si Oraeme para talunin ang magigiting na Arellano University Chiefs mamaya sa The Arena sa San Juan.

Inaasahan namang makakalaro na si Dan Sara para sa San Beda na haharapin ang Perpetual Help Altas sa main game.

Hindi naglaro sa huling dalawang laban si Sara na may injury sa daliri pero no problem dahil kagaya ng Cardinals ay wala rin silang mantsa sa apat na salang.

“It’s going to be a great match for sure,” lahad ni San Beda coach Jamike Jarin.

Gagawing sukatan ng Altas ang Red Lions para malaman kung hanggang saan ang kanilang lakas.

“We’re looking forward to that match because it will be a test of the team’s character,” ani Perpetual coach Jimwell Gican.

Samantala, target ng defending champion Letran Knights na tuhugin ang pang-apat na sunod na panalo para kapitan ang pangatlong puwesto.

Makakabanggaang ng Knights (3-1) ang San Sebastian College Stags sa u­nang laro.