Hinikayat ni Senador Koko Pimentel ang Philippine National Police (PNP) na mag­lunsad ng all-out war laban sa gun-for-hire at hit squads sa gitna ng dumaraming kaso ng pagpatay sa local ­officials.

Sinabi ni Pimentel na nakakaalarma na ang mga kaso ng pagpatay sa mga lokal na opisyal na tiyak aniyang may kinalaman sa eleksyon.

“If the PNP does not go all-out against these lawless elements, how can we have a free, orderly, honest, peaceful, and credible elections?” tanong ni Pimentel.

Idiniin ni Pimentel na dapat lamang ipa­kita ng PNP ang kanyang pagiging seryoso sa kampanya laban sa gun-for-hire at mga private armed group lalo na’t malapit na ang 2019 National and ­Local Elections.

Dapat din aniyang palakasin ng pulisya ang kanilang investigation skills upang tiyak na mapapanagot ang mga sindikato.

Sa ilalim aniya ng penal code, ang mga politikong kumukuha ng guns-for-hire ay maituturing na mga principal suspect.