All-Pinay finals sa skateboarding

Nakasiguro na ang Team Pilipinas ng gold at silver sa skateboarding sa 30th SEA Games.

Miyerkoles ng hapon, naniguro sa podium sina Margielyn Didal at Christiana Means.

Naihulma ng dalawa ang all-Pilipina final ng Game of SKATE ngayong araw pag-aagawan ang gold.

Nakadalawang palya lang sa kanyang tricks attempts si Didal para ­ungusan si Nyimas Cinta ng Indonesia.

Sumunod sa kanya si Means na nakatatlong errors para laktawan din ang isa pang bet ng ­Indonesia na si Kyandra Susanto.

Ang Game of SKATE ay parang HORSE sa basketball. (VE)