Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa niya naglilingkod sa ­gobyerno gayundin ang publiko na manguna sa pagtalikod sa tukso at pinaalala­hanan ang mga ito na ang materyal na bagay ay pansamantala lamang.

Sa kanyang ­mensahe kaugnay ng ­paggunita sa “All Saints’ and Souls’ Days” iginiit nito sa mga kapwa Filipino na mag-ipon ng yaman, ­hindi para sa sarili kundi para sa darating na ­henerasyon.

“These two events remind us that, even though all things come to pass, our deeds will outlast our mortal lives. No amount of success, po­wer, or position can ever compensate for the greed and corruption of human character,” nakasaad pa sa “All Saints’ at Souls’ Day” message ni PDu30.

“Truly, Christ was right in asking the question: ‘For what does it profit a man to gain the whole world yet forfeit his own soul?’”

“With a keen appreciation for the ­immaterial treasures that bring us closer to God, let us continue to pursue an agenda for genuine change that will be for the best interest of our people. I hope that we cherish with fondness, love and gratitude the spiritual inheritance left by our ancestors and loved ones on their special day,” dagdag pa ng Pangulo.

One Response

  1. Natutuwa ako at maganda ang mensahe ni P. Duterte para sa atin. Alam ninyo yun pagiwas sa masamang salita ang naging dahilan ng pagayaw ko sa kanya. Kung magpapatuloy ito, palagay ko, marami ang babalik at lalo siyang magiging popular. I hope P. Duterte will show true and sincere leadership.