Inaasahang iinit na naman ang iringan sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Simbahang Katolika makaraang kuwestiyunin nito kung bakit may araw para sa mga Santo at araw ng mga kaluluwa gayong naka­sentro ang Undas sa mga pumanaw na mahal sa buhay.

“Tarantado talaga itong mga Katoliko, p…. Bakit may All Souls Day saka All Saints Day? ‘Di natin alam ang mga santo sino ‘yang mga gago na ‘yan, mga laseng­go,” anang Pangulo.

Para aniya hindi malito ang mga tao, nagbiro ang Pangulo na bibigyan niya ang mga ito ng patron at ­tatawaging Santo Rodrigo.

“Dito na lang kayo I’ll give you one patron para hindi na kayo magpasyal. Get hold of a picture of mine, ‘yan na lang ang ilagay n’yo sa altar, Santo Rodrigo,” dagdag ng Pangulo.