All-set sa 2016 NPC Benefit Racing

Tuloy mamayang hapon ang 2016 National Press Club Benefit Racing sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Pinasalamatan ni NPC president Paul Gutierrez ang mga tumulong sa fund-raising campaign para sa mga aktibidades ng club, lalo ang scholarship nito para sa mga anak ng miyembro ng NPC.

Pito ang kasali sa highlight na 4th NPC Cup na paglalaban sa distansiyang 1,600 meters. Ang mga kalahok dito: Timeless Magic, Sweetchildofmine, Batang Carmona, Azarenka, Jet Golden, Security Strength, at Pure Wine. Bukod sa top prize na P180,000 para sa winner, meron ding tropeo ang winning connection ng mananalong kabayo.

May 10 NPC races na gaganapin bukas: Cip Roxas Memorial Race; NPC Scholarship Fund Race, Mommy Tiger Rianzares Memorial Race; Willie Baun Memorial Race; Pres. Paul Gutierrez Race; VP Benny Antiporda Race; Butch del Castillo Memorial Race; NPC Mutual Assistance Fund Race; NPC-Philtobo Race, at NPC-Vice Mayor Maca Asistio Race.

Sa 2016 PCSO National Grand Derby bukas din, tatlong kabayo ang magpapaligsahan para sa top prize na P800,000. Sila’y sina Dance Again – AP Asuncion; Yongyong – Jonathan Hernandez; and Guatemala – Kelvin Abobo. Ang sesegundo’y bibigyan ng P350,000, sa tersero’y P200,000.

Ang nag-iisang Winner-Take-All na paglalabanan ay may carryover na P1,756,500.23.
Ang karera’y magsisimula ng alas-2 ng hapon.