Halos kasabay nito, nasungkit ni Allen Dizon ang Best Actor trophy sa Salento International Film Festival.
Post ni Dennis Evangelista (manager ni Allen at line producer ng pelikula) sa Facebook:
“While we are rejoicing for the Best film win of Lav Diaz Ang Babaing Humayo in Venice Film Festival. Proud to announce also that Allen Dizon adjudged Best Actor for his performance as the wayward priest fighting for moral dilemma in Mel Chionglo’s Iadya Mo Kami at the recently concluded 13th Salento International Film Festival held in Tricase, Italy.”
Sunud-sunod ang pagkakilala kay Allen bilang magaling na aktor magmula nang makakuha siya ng ilang Best Actor trophy sa pelikulang Magkakabaung.
Maaring ipinagdasal ni Allen itong huling pagkapanalo niya kay Saint Teresa of Calcutta.
Nakita ng aming kaibigan na dumalo si Allen sa canonization ni Mother Teresa sa Vatican City the other Sunday.
Maaga pa lang pala ay nasa Italy na si Allen kasama ang kanyang asawa para masaksihan pa ang canonization bago siya tumuloy sa Salento International Film Festival.
Congratulations!
***

MARAMI ang nalungkot sa balitang sumalubong kahapon ng umaga, ang pagpanaw ng komedyante at theater actress na si Joy Viado, dahil sa heart attack.
Matagal nang nakaratay si Joy dahil sa diabetes.
Last year ay muntik nang maputulan ng paa si Joy.
Nagkaroon pa ng show noon para lumikom ng pondo sa pagpapagamot niya.
Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Joy.
Lav Diaz, pwede nang magtayo ng zoo
Lav Wins… again!
Wagi ng Golden Lion (highest award) sa 73rd Venice International Film Festival ang pelikulang Ang Babaeng Humayo nina Charo Santos at John Lloyd Cruz na dinirek ni Lav

Diaz.
Noong nakaraang taon, wagi si Lav ng Golden LEOPARD mula sa Locarno.
Tapos nu’ng February, Silver BEAR naman sa Berlinale.
At ngayon, Golden LION mula sa Venice.
Pwede nang magtayo ng zoo si Lav!
Mabuhay!