Lagare ngayong araw na ito ang multi awarded actor na si Allen Dizon. Bad boy sa hapon, good girl naman sa gabi.
Mapapanood siya sa Ipaglaban Mo ngayong hapon, June 22 sa #IMutang, 3:15PM pagkatapos ng It’s Showtime.
Sa gabi naman ay gaganap siyang transwoman sa ‘Magpakailanman’.Todo makeup at naka-wig na kulot.
Tampok si Allen sa part 2 ng ‘Magpakailanman’ na “Kailan Naging Ama Ang Isang Babae.” Base ito sa kuwento ng Pinoy transwoman na si Roxanne D’ Salles. Sa tunay na buhay ay nagpa-sex change operation siya.
Nagustuhan ni Allen ang script at first time niyang gumanap na bading. Magiging lover niya ang dating boyfriend ni Catriona Gray na si Clint Bondad.
Ano’ng reaksyon niya na naglagare siya sa Kapamilya at Kapuso sa isang araw?
“Nagkataon lang.Ako po’y tao lang na artista na kinuha para gawin ang trabaho ko . Hindi ko naman hawak lahat kung may ganito sa akin, may kumuha sa akin. Basta po artista lang po ako na ginagampanan ang trabaho ko,” paliwanag niya.
Sa pelikula naman , abala siya sa pelikula nila ni Lovi Poe na “Latay”.Magpo-portray siya bilang battered husband.
May movie rin sila ni Judy Ann Santos na pinamagatang “Mindanao” sa ilalim ng direksyon ni Brillante Mendoza.
AMBASSADORS and AMBASSADRESS of the WORLD- PHILLIPPINES 2019 pasabog
Excited ang mga netizen ngayong gabi kung sino ang mananalo sa AMBASSADORS and AMBASSADRESS of the WORLD-PHILLIPPINES 2019, 7PM sa The Eye at the Green Sun Hotel, Makati. Ang kanilang slogan ay #ConquerWithoutLimits.
40 Official Candidates (20 males, 20 females) ang maglaban-laban, magpapatalbugan at mag-aagawan ng titulo.
Ito’y sina Hisam Hit , Briant Lomboy , Carl Joseph Abueg, Judah Tiosejo, Ryu Uchimura , John Mark De Vera , Joco San Juan. Sha Migerlito Uchimura, Elcid Magno Camacho,Mark Jefferson Valerio, Danes Roner Cruz,Jerel Nabong, Jesus Norbert Macaraeg, Kim Andrei Acorda,Kristoffer Kelly Mendoza, Vincent Alfonso Serrano, Jef Cutler,Kenneth Carpena,Karl Christopher Cadag, Daniel Joseph Cruz.
Ang mga female candidate ay sina Gezza Avila , Kristine Charlotte Hammond , Janhelen Villanueva, Jasmine Omay, Christine Juliane Oplaza, Gabrielle Basiano, Julie Ann Tarrayo , Ruffa Nava, Shenna Mae Zaldivar, Joana Zapanta, Lovely Dinah Baeshen, Bianca Mae Hernandez, Jemaina Florence Bernardo, Jade Vineyard, Patrixia Sherly Santos, Shaira Rona, Marelyn Orlanda, Donnabelle Erno, Rica Jean Rosas.
Sa press presentation ay Itinanghal na Darling Of the Press sina Hisam Hit Manila at Gezza Avila na ginanap sa ctivity area ng Robinsons Magnolia l noong June 17. Rumampa sila sa bonggang sashion Show mula sa mahuhusay at creative Pinoy Designers na sina Louis Pangilinan, Don Cristobal, Cathy-Mora Capistrano at Jhong Sudlon .
Ngayong gabi pipiliin ang top 3 winners. Sino kaya ang makakasungkit ng title?
For ticket inquiries please call 239-7498, 09562078210.
Top 20 ng Idol Philippines kakatayin na
Itinanghal na ang top 20 Idol hopefuls ng “Search of the Idol Philippines” at bukod sa kanilang boses, pumukaw rin sa puso ng mga hurado at manonood ang kanilang kwento ng pagsisikap para sa kanilang mga pangarap.
Ilan sa kanila ay lumalaban para sa kanilang pamilya, gaya na lamang ni Denize Castillo na umaawit upang makauwi na ang magulang na OFW, pati na rin si Roque Belino na minero ng ginto at anagbabanda para sa ikabubuhay. “Nagsimula ako magmina noong maka-graduate ako ng high school. Gusto kong matupad ang pangarap ko at maiahon ang pamilya ko sa kahirapan,” kwento ni Roque.
Ang pagkakawalay naman sa ama ang inspirasyon ni Charmagne Algario sa pagsali sa kompetisyon, samantalang pinapatunayan naman ni Renwick Benito ang kanyang pagbabago matapos mawala sa tamang landas. Iniaalay naman ni Jasper Lacson ang kanyang pag-awit sa lolo niyang una lamang siyang narinig umawit noong auditions, at ang bagong kasal na si Michelle Primavera ay inihahandog naman sa asawa ang kanyang laban.
May mga kalahok ding nagsisikap na iangat ang bandera ng LGBTQ+ community tulad nina Jeremiah Torayno, isang transgender woman. “Ever since bata ako, alam ko nang may unique sa sarili ko. Mahalaga po ito sa akin dahil natakot ako noon mag-try kasi baka hindi magustuhan ng tao, pero ngayon I think I’m ready,” sabi ni Jeremiah sa harap ng judges.
Kasama niya sa pagpapakita ng kahalagahan ng pagiging totoo ang LGBTQ+ members din na sina Matty Juniosa na umaawit para sa ina; Elle Ocampo, ang lesbian artist mula Pampanga; Lucas Garcia na loud and proud gay singer; at Enzo Almario na isang vlogger.
Bagama’t ilang singing contest na ang sinalihan, hindi naman sumusuko sina Trish Bonilla na sinisikap pa ring ipaglaban ang pangarap kahit pumipigil ang ina, at Zephanie Dimaranan na patunay na hindi hadlang ang murang edad para makipagsabayan. Matapos makipagsapalaran abroad, muling susubok si Lance Busa na tuparin ang pangarap na maging singer sa sariling bansa. Muli namang masisikap ni Dan Ombao abutin ang pangarap matapos mawala ang natamasang unang ningning ng bituin, “Dumating sa point na nasilaw ako. Napariwara ‘yung career ko. Nawala ‘yung pagkanta ko, hindi na ako nakapagsulat ng kanta. Ngayon matured na ako, mas focused.”
Papatunayan naman ng mga naging biktima ng bullying na sina Fatima Laguera at Kevin Hermogenesna na hindi hadlang ang salita ng mga tao para manalo sa kompetisyon. Dala-dala naman ng youth ambassadress na si Rachel Libres, honor at model student na si Sheland Faelnar, at songwriter mula US na si Miguel Odron ang kanilang pangarap at buong tapang na haharap sa bawat pagsubok.
Ngayon ngang Sabado (Hunyo 22) at Linggo (Hunyo 23), mas titindi na ang laban dahil umpisa na ng Solo Rounds. Mula 20, 12 na Idol hopefuls na lamang ang magpapatuloy patungong live rounds ng kompetisyon. Sino nga kaya sa kanila ang makakapasok sa top 12?
Panoorin ang idol hopefuls sa pagkamit ng kanilang pangarap sa “Search for the Idol Philippines” sa ABS-CBN.