Proud na proud ang multi-awarded actor Allen Dizon sa pelikulang “Mindanao” na pinagbibidahan nila ni Judy Ann Santos. Ito ay sa direksyon ni Brillante Mendoza under Center Stage Productions.

“Unang-una napaganda ng pelikula. Napakahalaga rin ng mensahe na pinaparating nito tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya, mga sakripisyo ng magulang at pagmamahal sa bayan…” pagmamalaki ni Dizon.

Ginampanan ni Allen ang papel ni Malang Datu Palo, isang combat medic. Kumakatawan siya sa mga sundalo at mga ama na nagsisilbi sa bayan, nagbubuwis ng buhay alang-alang sa pagkakamit ng tunay na kapayapaan. Isinakripisyo niya na makapiling ng sariling pamilya kahit sa panahong kailangang-kailangan sila. Habang nakikipaglaban sa giyera sa Mindanao ay nakikipagbuno sa kamatayan at sakit ang anak na may kanser.

Kapuri-puri ang pagganap ng aktor sa pelikulang “Mindanao”. In fact, ayon sa Cinema Evaluation Board (CEB), Allen Dizon is superb. Tila forte na ni Dizon ang “low key subdued acting”. ‘Yung hindi makatawag-pansin na pagganap.

“Naku, bawal kay Direk Brillante ang teleserye acting. Alam niya kapag nagpe- perform at umaakting ka lang. Dapat maramdaman niya ang ‘sincerity’ at puso sa iyong pagganap. Kaya ‘spontaneous’ ang atake para lumabas ang ‘rawness’ at pagiging ‘natural,’” dagdag ni Dizon.

Sa katatapos na Cairo International Film Festival, nagwagi ng Best Actress si Judy Ann Santos. Panalo rin ang “Mindanao” ng Best Artistic Contribution. Hindi pinalad na manalo ng Best Actor si Allen pero masayang-masaya siya sa achievement ng pelikula.

“Akyat-baba ako sa stage kasi ako kumuha ng award ni Juday at ng pelikula. Binabati pa nga ako ni Nathalie Emmanuel na bida sa pelikulang ‘Game of Thrones’ at ‘The Fast and the Furious’ ng nagpa-picture ako. Siyempre masaya ako para kay Juday at sa ‘Mindanao’.

“Hindi first time na matalo ako, maraming beses na rin pero siyempre naranasan ko na rin ang manalo. Ganu’n talaga, pana-panahon ‘yan,” deklara ni Allen.

Itinuturing si Allen bilang isa sa Pilipinong aktor na may pinaka-maraming awards, local and international. Sa kasalukuyan, may 36 na ang napanalunan kasama ang Gawad Urian at ang siyam na International Best Actor.

Umaasa ba ang aktor na magwagi ng award sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival?

“Depende kasi ‘yan sa uupo na mga jury. Ayaw ko umasa kasi madaming mahuhusay. Ang dasal ko sana magustuhan ng ‘local audience’ ang ‘Mindanao’. Marami sanang manood ng aming pelikula. Isang ‘family drama’ ang ‘Mindanao’ na nakakaantig sa puso ang kuwento. Ang mga bata tiyak na magugustuhan ang ‘animation’ pati na ang kuwento at pakikipaglaban ng magkapatid na mandirigma na sina Raja at Sulayman,” pagwawakas ng dramatic actor.

Mapapanuod ang “Mindanao” ngayong Kapaskuhan. Graded “A” by the Cinema Evaluation Board (CEB).

Coocaa mabenta sa showbiz party

Napukaw ang atensyon ng mga taga-showbiz sa Coocaa na official partner ng 30th SEA Games.

Ngayong Kapaskuhan paboritong ipa-raffle sa mga showbiz Christmas party ang Coocaa Smart TV.

Ang Coocaa ay No. 1 selling appliance brand ng Lazada. 12-12 event. So, may pagkakataon na rin ang madlang pipol na magbigay ng regalo para sa entertainment at quality family time nila.

“We want to cut down the middle man’s cost and lower the price of the products so it will be more available for every Filipino,” deklara ni Daniel Huang, Business Development Head for Southeast Asia.

Bilang official sponsor ng SEA Games nu’ng 2019, Coocaa launches strings of customer-centric engagements, activities and campaigns, filled with a lineup of amazing deals and once-in-a-lifetime prizes.

“We seek to continue exploring the value of the new lifestyle brand and to become the most creative smart home solution provider,” dagdag pa ni Huang.

Meron din silang Coocaa 12-12 Deals na exclusive offer ng Lazada na tatakbo lang ng dalawang oras mula 12 midnight hanggang 2 AM.