Si Alliah Laurine Masangya Isagan ay may pangarap na sundan ang yapak ng former 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach.
Kung tutuusin unti-unti na niyang naabot ang minimithi niya. Sumali siya sa Mutya ng Kalibo 2018 na ginaganap sa Aklan taun-taon.
Siya ang tinanghal na 2nd runner-up dahil sa ganda ng hubog ng katawan. Ang kanyang vital stats ay 34-25-37. Kandidata siya ngayon ng Turismo Filipina 2018.
Aside sa pagsali sa beauty pageant, dream din niya na maging isang international model. Maraming gustong gawin sa kanyang buhay si Alliah. Gusto rin niyang maging dentista at flight attendant. So far, nag-aaral si Alliah ng Doctor of Dental Medicine sa Emilio Aguinaldo Course para magkaroon ng sariling dental clinic.
Rochelle, Jo, Pekto pabonggahan sa ‘Sarap ‘Di Ba?’
Magpapabonggahan ngayong umaga sa pagluluto ang mga guest na sina Jo Berry, Rochelle Pangilinan at Pekto Nacua sa Sarap ‘Di Ba?
Ang soon-to-be-mom na si Rochelle ay ipapatikim niya kung gaano kasarap siyang magluto ng pinakbet.
Samantalang si Jo Berry ay gagawa ng yummy Christmas treat – Berry Glazed Yema na tamang-tama sa araw ng Kapaskuhan.
Gagawin naman ni Pekto ay magpapasaya ng mga guest at hahandugan niya ang mga ito ng Pamaskong kanta.
Ang Pasko ay literal na pagsasama ng mga pamilya kaya naman ang relasyon ng Happy Nanay na si Mommy Romlyn ay sasali sa diskuyunan ng bawat pamilya. Importante na maging masaya, nagkakasundo at nagmamahalan ang bawat pamilya sa araw ng Kapaskuhan.
May sorpresa ring ibibigay si Daddy Perry Berry at ang soon-to-be father na si Arthur. Tiyak na mapapaiyak si Rochelle sa mensaheng ibibigay niya sa asawa.
Ang host ng Sarap ‘Di Ba? ay sina Carmina Villarroel at ang kanyang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi. Ang episode bukas ay Standout Christmas!