MAY sariling isyu si Alma Concepcion nang dumalo ito sa nakaraang Binibining Pilipinas.

Inilabas ni Alma sa Facebook ang ipinost ng isang baklang nagpa-picture sa kanya na nagngangalang JEFFREY ARCIAGA MOJE.

May kuha ang bading na iyun kasama si Alma at ang nasa caption nito, “Gud am mga frends. E2 puyat me gawa ng late am natapos bb. Pilipinas. E2 p c mare alma concepcion nagyaya pa mag coffee kmi dlw sa rock well Makati…

“Akala ko yayain ako mag she kami at ja­ming sa ishi. Hahahaha remember 1996 nahulihan ng drags s air fort sa guam c mare alma. Buti hnd kami nag sabay.”

Nakarating kay Alma ang natu­rang post, at ni-repost niya ito sa kanyang FB account.

Pahayag ng aktres, “Guys what do I do with a person like this? Nagpa-picture lang sinabi na close na kami?

“And do I look like a ‘druggie’ like him? My family, friends, skin, weight, lifestyle are enough basis to judge if I live a lifestyle he has.

“I don’t deserve this guys. What do I do with this person? It’s unfair he is name-dropping me. I have corrected my 1990s mistake and lived a productive life since then.

“Got double degrees, raised a family peacefully, lived a healthy lifestyle since.

“If you analyze my lifestyle its far from anything ugly. Kayong nakakakilala sa akin ang magpapatunay.

“Grabe naman tong loka lokang fan na ito! I am not associated with any drug user since 1990s so unfair naman nagpa-picture lang ka jamming na agad-agad.

“Grabe how one picture can create stories! Tao nga naman. To my family and friends, please teach this guy a lesson!”

Sinilip namin ang FB account nitong Jeffrey Arciaga Moje, wala na roon ang post nito kay Alma.

Ang ilang kaibigan ng aktres ay ini-report na raw ang naturang account sa FB.

Unfair nga naman sa aktres na gawan ng ganu’ng kuwento gayung pinagbigyan lang niyang magpa-picture sa kanya.

Kaya natuto na rin ang ilang artista sa mga nagpa-picture dahil nagagamit lang sila sa kabalahuraan ng ilang makakapal ang fez!

Naalala ko tuloy ang kuwento ni Arnelli Ignacio na mas maingat siya ngayon sa mga gustong magpa-picture sa kanya.

Natatakot siyang baka magamit o madamay siya sa ilang iskandalo lalo na ngayong may posisyon siya sa gobyerno.

Minsan mas gusto nilang isipin ng iba na suplado o maldita sa fans kesa naman mapapahamak ka bandang huli.

One Response

  1. bakit naman isinama mo ang balahurang Arnelli……tao ba yan…eh! ugaling hayop na dapat hindi pinag-uusapan…bwahahahahha..siguro naman walang magtatangkang magpa-picture sa baklitang yan…