HINDI natuloy ang pag-inquest kay Mark Anthony Fernandez kahapon nang umaga dahil pinagbigyan ang hiling ng mga abugado ng aktor na sina Atty. Sylvia Flores at Atty. Marvic Alfonso.
Nakasaad sa order ng Municipal Trial Court ng Angeles City, “Just now the accused filed a Motion to Suspend Proceedings for the Purpose of Filing a Motion for Reconsideration on the ground that he will be filing a motion for the reconsideration of the Inquest Resolution, the motion is hereby GRANTED.”
Nakatakda ang susunod na hearing sa October 24 at sa November 17 nang umaga.
Nabalitaan din naming ililipat muna si Mark sa mas malaking kulungan dahil masyadong masikip sa kanya ang kinalalagyan niya ngayon.
Sinamahan si Mark ng ina niyang si Alma Moreno na pinainom muna ng pampakalma bago ito pumunta sa kulungan dahil tumataaas ang blood pressure niya.
Hindi pa rin napigilan ni Alma na umiyak nang umiyak sa sinapit ng kanyang panganay.
Bago ‘yung hearing kahapon, dumalaw si Alma sa kulungan kamakalawa nang gabi kung saan nagtagal siya roon nang halos dalawang oras.
Ang pagkakaalam namin, hindi na muna bumalik ng Maynila si Alma.
Nag-stay siya sa isang hotel malapit sa presinto para madalaw-dalaw niya si Mark,
Ang pagkakaalam pa namin, dadalaw ngayong araw si Lorna Tolentino at Ralph Fernandez.
Halatang apektado ang magkapatid na Ralph at Renz sa nangyari sa kanilang kuya.
Nababagbag kami sa mga ipinu-post nilang mga litrato sa social media noong bata pa sila at kasama ang Papa Rudy ‘Daboy’ Fernandez nila.
NAKITA KO SA MAHIWAGANG BOLANG KRISTAL….MAKAKA LAYA RIN C MARK …EH KNOWING PA ANG BASTA SA PINAS….MATUTULAD LANG RIN YAN KILA ROBIN,GLORIA,ENRILE..KONEKSYON!
Kayu naman kasing mga magulang at elders na artista eh wag nyung kunsintihin ang pag gamit sa droga at wag pa bebe magalit kayo batukan nyo yung mga bata na wag gagamit or papasok sa droga. Drugs its not a joke when its too late…
sayang si mark. magaling n aktor p naman, kaso natililing n yata dahil sa drugs
mag papa bj na rin yan kay delimma para tulungan sya
can’t agree more