Namataan namin si Alma Moreno noong January 13, bandang 9PM sa lobby ng isang hotel sa Pasay City.
Kailangan kasi naming mag-check in sa nasabing hotel dahil malapit lang sa Terminal 2. Maagang kasi ang flight namin papuntang Macau, China.
Minukhaan namin muna siya at si Alma nga. Nakaupo sa isang mesa. Naglalagay ng powder sa mukha na halatang may hinihintay o may kausap.
Nakasuot siya ng t-shirt at maong pants. Mukhang okey naman siya sa kanyang postura na kapag nakita mo ay parang namamalengke lang.
Ang tanong, magtsi-check in ba siya? O, may kausap lang?