Aminado si Oliver Almadro ng reigning UAAP women’s indoor volleyball champion Ateneo Lady Eagles na malungkot ito at dismayado siya sa pagkakaudlot ng Season 82 dulot ng COVID-19.

Ayon sa Loyola Heights-based squad coach, masakit sa kanila ang pagkaunsiyame ng liga na aniya ay labis pa man din nilang pinaghandaan.

“Well, yes, this is disappointing,” saad ni Almadro sa panayam ng ABS-CBN News. “Kasi nga, we’ve prepared for more than a year.”

Bukod ditto, nangangamba rin siya na baka matulad sila sa NCAA volleyball na tinerminate na lang ang liga dahil sa banta ng coronavirus disease.

Planong bumangon ng Ateneo matapos ang pagkatilapon sa karibal na La Salle Lady Spikers. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, dinadlangin na lang ito ni Almadro at pag-iingat at pagtutulungan ng lahat sa dinaranas na krisis.

“This too shall pass,” p[anapos niyang sambit. “The Lord will not forsake us. There is a reason for this. So now, wala nang school-school. We all have to help end this pandemic.”

Sa ngayon, ang NU Lady Falcons ang nangunguna sa standing ng UAAP women’s indoor volleyball Season 82 eliminations sa malinis na 2-0 record. (Aivan Denzel Episcope)