Inilabas na ang desisyon ng PBA commissioner’s office sa pangunguna ni Officer In Charge Willie Marcial, ang karampatang parusa sa mga manlalarong sangkot sa nangyaring insidente sa mga nakalipas na laro.
Matapos magsikuhan at suntukan nina Raymond Almazan at Eric Camson noong Sabado sila’y pinagmumulta ng P20,000 at P30,000, ayon sa pagkakasunod, sila rin ay mga suspendido ng tig-isang laro.
Pinagmumulta din si Michael Miranda ng NLEX sa pagsipa sa maselang bahagi ni Chris Ross ng San Miguel Beer noon namang Biyernes.
Ang mga pangyayaring ito ay parehas na naganap sa Cuneta Astrodome sa Pasay City sa magkasunod na araw.
Naunang inilabas ng league technical director Eric Castro ang multa nina Ross at NLEX Coach Yeng Guiao noong Lunes.
Pinagbabayad lang ng P2,600 samantalang P11,000 si Guiao sa pagpapalitan nang mga maaanghang na salita na kinahinatnan ng pagpatalsik kay Ross sa loob ng court at maruming panduduro ng huli.
“Based from our reviews, Eric Camson was the instigator, he started it,” bigkas ni Castro. “After reviewing the whole first quarter and second quarters, wala talagang pinagmulan, walang pinaggalinggan. So we found him liable talaga sa action.”
Agad-agad na isi-serve ang one-game suspension ng mga sangkot na basketbolista.
Wala si Camson sa laban ng Picanto sa Meralco sa araw na ito, at liliban sina Almazan at Miranda sa giyerang Elasto Painters-Road Warriors sa Biyernes.()