Almazan nagka-sprain, Ravena pasok sa 12

Napagpasyahan na ni coach Yeng Guiao ang kanyang final 12, kahit nagkaproblema na agad.

Inabot ng minor ankle sprain si big man Raymond Almazan sa praktis noong Linggo sa Doha, ayon sa ulat ni Nelson Beltran ng Philippine Star.

Habang nasa court ang 13 pang kasamahan, nasa sidelines si Almazan.

Minor lang naman daw ang sprain, dating pilay na na-reinjure.

Sa mga unang laro ng Rain or Shine sa PBA Philippine Cup ay natengga si Almazan nang abutin ng right ankle injury sa ensayo.

Inoobserbahan ang lagay ni Almazan dalawang araw bago ang unang laro sa final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa hinayag Martes ng gabi ni Guiao na komposisyon ng final lineup laban sa Qatar, sinahog na si Thirdy Ravena, ang nag-iisang collegiate player sa squad.

Alas-12:00 ng hatinggabi oras sa Manila ang bakbakan ng Filipinos at Qataris sa Al-Gharafa Sports Club Multi-Purpose Hall.

Sumama lahat ang 14-man pool ng Team Pilipinas sa Doha.

Naroon na rin si naturalized Andray Blatche na galing China.

Kasama nina Blatche at Ravena sa 12-man team sina June Mar FajarĀ­do, Troy Rosario, Jayson Castro, Paul Lee, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Scottie Thompson, Poy Erram, Mark Barroca, at Japeth Aguilar.