Semis Game 3 ngayon: (MOA Arena)
7:00 pm — Ginebra vs Rain or Shine
Nakinabang ang Rain or Shine sa pagkakakansela ng Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup semis dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Martes ay kinansela ng PBA ang laro, itinuloy noong Huwebes at tinalo ng Elasto Painters ang Ginebra, 109-100, para itabla ang best-of-five series sa tig-isang laro.
Balik ang magkatunggali sa Game 3 mamaya sa MOA Arena.
“Maganda sa amin ‘yung na-postpone na laro, napag-aralan namin ‘yung tapes, dumating ang dagdag na scouting,” ani Raymond Almazan.
Sa 102-89 loss ng Painters sa opener ay 0-for-3 mula sa field si Almazan sa loob ng 13 minutes. Mas focused na si Almazan pagdating ng Game 2, may kontribusyon na 10 points, eight rebounds, two assists at two steals sa 20 1/2 minutes na binigay sa kanya ni coach Caloy Garcia.
“I’m so proud of my players right now, they came out and played hard. We were down again in the first quarter but we never gave up,” ani Garcia hinggil sa pagkakaiwan ng 35-21.
Malaking bagay din sina Ray Nambatac at Ed Daquioag mula sa bench, napakinabangan ang hustle plays.
“We just came out really focused and stuck to our game plan and trusted each other,” lahad ni Gabe Norwood na nagsumite ng 12 points. “Through the whole game, guys came off the bench, Mark Borboran and Ray Nambatac came and played huge for us. With things like that, I believe we can win games.”
Umayuda ng 9 points si Daquioag, may six si Nambatac at walang kapagurang pambubulabog.
Magandang ayuda ang nakuha nina Reggie Johnson at James Yap na tumapos ng pinagsamang 43 points, ibinaon din nila ang back-to-back 3s na naglayo sa Painters, 107-100, higit 1 minuto na lang. Nagbaba pa si Johnson ng 20 rebounds.