Almazan tinatiyaga ang home workout

Sariling workout lang, pero tinatiyaga ni Raymond Almazan sa kanilang bahay habang nagpapagaling sa kanyang knee injury.

Nahirapan din ang Meralco big man, hindi makatodo sa rehabilitation dahil nag-lockdown ang Metro Manila bunga ng coronavirus pandemic.

Bawal ang mga regular fitness gym, hindi rin puwedeng pumunta sa clinics.

“Nagwo-workout ako every other day. More on leg talaga ako kasi gusto ko siyang palakasin para hindi maiwan,” pahayag ni Almazan sa PBA Kamustahan podcast.

Inabot ng injury si Almazan noong January sa nakaraang Governors Cup Finals, nasa sidelines na nga lang siya nang yumuko ang Bolts sa Ginebra 4-1.

Ilang buwang nagpahinga ang 6-foot-8 slotman na produkto ng Letran bago sumalang sa hinay-hinay na workout.

“More concern ko talaga ‘yung leg ko,” dagdag ng 30-yeat-old, 6-foot-8 center-forward ng Bolts. “Gusto ko mag-fully heal muna siya bago ako mag-full workout.”

Nahirapan lang siya dahil sa enhanced community quarantine pagkatapos kanselahin ang Philippine Cup noong March 11.

“Ang hirap na naka-lock down, iniisip mo pa ‘yung injury mo,” aniya.

Hindi pa sigurado kung kailan makakabalik ang PBA, mas mahaba-haba rin ang panahon ni Almazan