Almerol niratrat ang Graftbusters

PBADL: Tiu, Saints, 5 team pa rarampa

Mga laro bukas: (Pasig City Sports Center)
Taped as live (For airing on Nov. 10)
4 p.m. – NHA vs DENR
5;30 p.m. – NHA vs DNR
7 p.m. – PNP vs GSIS

Kumuha ng magkahiwalay na panalo ang defending champions Armed Forces of the Philippines at Department of Environment and Natural Resources nitong Linggo sa 8th UNTV Cup 2019 elims sa Pasig City Sports Center.

Pasabog si Romeo Almerol ng 21 points para sa AFP Cavaliers na binistay ang Ombudsman Graftbusters, 92-74 upang kunin ang kanilang ika-5 sunod na panalo sa paliga ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.

Nag-ambagan pa sina Wilfredo Casulla ng 18 markers, former Letran Star Boyet Bautista at Jerry Lumungsod ng tig-17 markers para patibayin ng Hukbong Sandatahan ang pagkipkip sa Group A lead.

Sumandal naman ang DENR Warrios kina Ed Rivera na may 22 pts., at Arturo Atablanco na 5 may markers, 7 assists at 4 rebounds para pabagsakin ang Malacañang Palace-PSC Kamao, 88-77 at kunin ang ika-4 na sunod na panalo sa Group B.

‘Di rin nagpahuli ang PhilHealth Plus laban sa SSS Kabalikat, 104-80 upang i-improve ang kanilang kartada sa 2-3 habang nananatiling ligwak naman ang huli sa 0-4 sa ligang may P4M premyo mula sa mapipiling charity.

Unang laro
PhilHealth 104 – Mazo 34, Aldave 21, Pacheco 16, Hernandez 11, Pedroso 8, Emata 8, Armojallas 4, Mbbagu 2.

SSS 80 – Quiambao 31, Aguila 12, Trinidad 11, Packlibare 10, Sarmiento 8, Roman 6, Puno 2.

Quarters: 15-20, 46-34, 71-53, 104-80.
Pangalawang laro

AFP 92 – Almerol 21, Casulla 18, Lumongsod 17, Bautista 17, Rosopa 10, Fernandez 5, Evidor 3, Tan 1.

Ombudsman 74 – Ignacio 22, Franco 14, Baldonado 12, Del Rosario 7, Lumague 7, Palacio 6, Sanchez 4, Buetipo 2.
Quarter s: 13-20, 37-34, 67-55, 92-74.

Pangatlong laro
DENR 80 – Rivera 22, Bangal 17, Lansang 14, Ayson 12, Abanes 9, Atablanco 5, Parreno 1

Malacañang – PSC 77 – Jimenez 19, Punzalan 17, Dela Cuesta 15, Besa 9, V. Javier 7, N. Javier 3, Garrido 3, Roque 2, Abalos 2

Quarters: 21-12, 35-27, 59- 45, 80-77. (Aivan Episcope)