Jaya
Jaya

MEDYO marumi ang pagkanta ni Jaya sa reunion ng The Voice finalists.

Ayaw niyang magpa­kabog kaya binali-bali niya ang kanta.

Medyo nagkalat na siya dahil sumasablay ang pag-iba-iba niya ng tono.

***

Sa hiwalayang Gab Valenciano at Tricia Centenera, bakit malakas ang bulung-bulungan na umeeksena raw ang cos­player na si Alodia Go­siengfiao?

How true?

***

Patuloy na tumatabo sa takilya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang word-of-mouth ang pelikulang Train To Busan ng South Korea.

Sana, mapanood natin ito at mag-focus sa mga tunay na emosyon kaysa sa technique at effects ng paggawa ng horror films.

In fairness, tagos sa dibdib, hindi lang ang suspense kun’di pati ang drama ng zombie apocalypse thriller movie.

***

Kaarawan ni Binibini Gandanghari kahapon, at girl na girl siya sa sel­fie which she posted on social media.

Ang caption ni BB, “#almostgolden… Getting a lot of greetings now. Cheers! #thanks for the LOVE guys! #nomakeup #nofilter #nophotoshop #selfie”

***

Medyo pa-cute lang at hindi kasing-informative ng ibang Lifestyle shows ang The Crawl nina Piolo Pascual at Lui Villaruz na feature nila sa Japan.

Sayang.

***

OK ang musical na DOM sa Music Museum tampok sina Robert Seña, Nonie Buencamino, Bo Cerrudo, John Arcilla at Michael Williams.

Magaling din ang support characters na sina Ima Castro, Kitkat (who should do more musicals) at Fred Lo.

Kahit hindi na one of the major cast members, meron pa ring special participation si Ricky Davao.

Hanggang this weekend na lang ito.

***

Matagumpay ang back-to-back bikini open last weekend sa Jee Spot, West Point St., Cubao, QC.

Si JM de la Cruz ang tinanghal na Extreme Bikini King 2016 (organized by Ged Ca­yetano) last Friday, samantalang si Miko Morata ang Maskara King 2016 (organized by Maecy Codamon).