Na-deny si Kirstie Elaine Alora sa anumang kulay ng medalya sa Rio Olympics, pero ayaw pang sumuko ng Filipina taekwondo jin.
Sa halip, gagamitin ni Alora ang setback sa Rio para habulin ang medalya hanggang 2020, plano pa niyang muling sumabak sa edisyon ng quadrennial games sa Tokyo.
Unang yumuko si Alora sa karibal na si Maria del Rosario Espinoza ng Mexico 4-1 sa round-of-16 ng women’s heavyweight +67-kilogram division Sabado ng gabi at nadiskaril ang tsansa sa gold. Sa repechage na daan sana para maka-salvage ng bronze, muling kinapos ang Pinay kay Wiam Dislam ng Morocco, 7-5.
“Another sad moment na second chance ko na pero still, parang pinagkait sa akin,” anang 26-anyos na Biñan native na si Alora. Siguro kailangan ko pa na ‘wag itigil ‘yung journey ko sa pagta-taekwondo.”
Bukod sa Tokyo 2020, plano rin ni Alora na sumabak sa Asian at World Championships.
“The Lord has plans for me to continue fighting. I’m happy with the results here but I was not fortunate enough,” dagdag niya. “It’s God’s will. Maybe He wants me to win in the Asian Championships or the World Championships before I become an Olympic champion.”
Sa 13 atleta ng Pilipinas na ipinadala sa Rio, si Hidilyn Diaz lang ang tumapos sa dalawang dekadang paghahanap ng bansa ng medalya sa Games. Naka-silver si Diaz sa women’s weightlifting 53-kg.