Altas: ‘di na whipping boys

Bagito sa laban kung tutuusin ang Perpetual Help Altas kumpara sa San Beda, Letran at JRU.

Pati sa coaching staff ay dehado pa rin ang Perpetual, pero sa ipinakita ng Altas sa unang limang laro sa 92nd NCAA men’s basketball tournament ay pinatunayan nilang may ibubuga sila laban sa mga bigating teams. Ang da­ting hinahagupit na mga taga-Las Piñas, umaa­ngas na.

Sa 3-2, kasalo ng Altas ang Arellano University Chiefs sa No. 4.

Sinilat ng Perpetual ang defending champion Knights 61-55 noong Biyernes, pinatahimik din ang Heavy Bombers 58-50.

Sa talo ng Altas sa Red Lions ay marami silang natutunan.

“We also need to improve on our defense and be consistently aggressive on both ends of the court for the whole game,” saad ni coach Gimwell Gican, kasama ni consultant Nic Omorogbe na naggigiya sa Altas.

Sinasandalan ng Altas sina imports Bright Akhuetie, 19, at Prince Eze, 20. Malaking tulong din ang mga bagong starters na sina Keith Pido at Daryl Singontiko.

Maaasahan sa opensa sina Gab Dagangon, Jeffrey Coronel at Gerald Dizon.