Nakakamangha ang ganda ng katawan ng indie actress na si Althea Vega. Dati naman nang maganda ang katawan nito subalit mas malaki ang iginanda nito ngayon.
Markado na ang aktres sa kanyang pagiging seksi. Malulusog niyang dibdib, maliit na torso at malaking balakang. Mistula rin kasing modelo ang tindig at pangangatawan niya.
Ang mas nagpapalakas ng dating niya ay ang kanyang natural na kutis Pilipina.
Ang pagiging fitness trainer niya ang nagpabago sa pangangatawan niya. Kung dati ay dyosa lang sa kaseksihan, ngayon ay mistulang ‘Amazona’ na ang dating.
Makamandag ang kanyang ganda, mapanukso at nakakaakit.