Umaasa si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na may Senado na maghahain ng counter bill sa kanyang House Bill 6027 o Dissolutiton of Marriage upang masigurong maging batas ito.
Ang nasabing panukala ay inihain na ni Alvarez kasama ang mga militanteng mambabatas at legitimate minority sa Kamara.
Gayunpaman, tahimik ang Senado sa nasabing panukala at wala pa kasing isang senador ang naghain ng Upper House version subalit hindi nawawalan ng pag-asa si Alvarez lalo na’t siguradong alam ng mga senador na maraming mag-asawa ang may problema.
“Well, I hope mayroong magpa-file din, kasi alam n’yo, problema talaga ito sa buong bansa, marami pong may problema rito,” ani Alvarez kung saan, umaani umano ito ng suporta hindi lamang sa Pilipinas kundi sa mga Filipino na nasa ibang bansa.