Nakaumang ngayon ang banta ng kasong plunder laban sa pamilya ni Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo Jr. kaugnay ng usapin tungkol sa Joint Venture sa pagitan ng Tagum Agricultu­ral Development Corporation (Tadeco) at ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa pagdinig sa Kamara na mismong pinangu­ngunahan ni Alvarez, winarningan nito ang mga opisyal ng Tadeco sa pagsasabing baka maharap sa kasong plunder na isang kasong non-bailable, ang pamilyang Floirendo.

Si Cong. Floirendo ay nagkusang hindi dumalo­ sa nasabing pagdinig upang maiwasan na masabing iniimpluwensyahan niya ang naturang pagdinig na ayon sa ibang tagapagmasid ay siya ring dapat ginawa ni Alvarez dahil ito mismo ang nag-utos para sa imbestigasyon.

Ayon sa speaker, nakakasama sa pamahalaan ang kontrata sa pagitan ng BuCor at Tadeco na nagreresulta sa pagkalugi­ ng P106,167,191 kada taon.

Sinalungat naman ito ni Tadeco chief-executive-officer at president Alexander Valoria at idiniin na “ang iba’t ibang kontrata sa pagitan ng Tadeco at BuCor ay masusing pinag-aralan at ­inaprubahan ng hindi lamang anim na kapita-pitagang Justice Secretaries kundi ng 14 pang opis­yales na pawang nagsabi na balido ang kasunduan.”

Sa gitna ng balitaktakan sa usapin, inihayag­ naman ni Kabayan Rep. Harry Roque na mas makakabuting ihain na sa korte ang kontrobersiya.

“Dapat ang korte ang magpasiya ng legalidad ng transaksyon at hindi ang Kamara na nagagamit lamang sa pagpapasikat at pangwawarak ng reputasyon ng ilan,” sabi ng ilang observers.

25 Responses

  1. Puro ka disadvantageous sa government, magtayo ka kaya ng sarili mong kumpanya hindi yung kinaiinggitan mo yung kayamanan ng dating kaibigan mo. Magtanim ka rin ng saging.

  2. Eto si Alvarez ng masupalpal with his false allegations and extremely flawed reasoning, nanakot na lang ng plunder when he knows plunder only works for government officials. At anong na plunder don eh kumita pa nga ang gobyerno. Tanga talaga!

    1. Hahaha, tanga talaga yun. At may pasabi sabi pa siya na nag aral din siya ng batas pero hnd nman niya alam ang ibig sabihin. kaloka!

      1. May plunder pa siya nalalaman pero binitawan niya sa maling tao. This entire issue is becoming very unreasonable but TADECO will win in the end. Laban!

    2. Its a win-win situation for both TADECO and BuCor. Ang gobyerno daw ang kumikita, hindi siya. Makasarili kaya gusto palagi siya ang bida. Akala’y bida yun pala pabida-bida lang.

    1. Bully ng bayan talaga to si Alvarez. Gumagawa ng problema na hindi dapat poproblemahin sabay maghahanap ng kakampi para patumbahin ang kalaban. Ibang klase ka speaker.

  3. Dahil ba wala na siyang masabi about the issue on highly disadvantageous sa government ang JVA kaya eto ngayon nagbabanta ng plunder sa mga Floirendo. Mr. speaker kalian ba matatapos iyang inggit mo sa pamilyang Floirendo.

    1. Malamang hanggang hindi niya nakukuha yung lupa, hindi yan titigil. Kulang pa kasi pasahod sa knya ng mga tao kaya kumukuha ng raket. Sayang lang binabayad kong tax kung sa mga ganyang tao lang pla napupunta.

      1. Nakikita niya ang TADECO as business opportunity para makakita ng malaki laki kahit ang pagmamayari ay ang isang matalik na kaibigan gagawin pa din ang lahat para sa salapi.

    2. He’s so bitter because Floirendo has done everything that Alvarez has yet to achieve. Hanggang sa pandurugas at pandaraya lang ang kakayahan niya.

  4. nalulugi daw ang gobyerno, wow! eh! yong mga pag-alis ni Mang Kanor, hindi ba lugi ang gobyerno doon, kung sino-sino nalang ang binibitbit……aalis na dala ay itlog at puto…pag uwi itlog at puto rin ang bitbit pauwi…bwahahaha