Alvin, Jerry makikisahog sa 3-on-3

basketball

By Vladi Eduarte

Palabok sa North vs. South showdown ng PBA All-Stars ang 3-on-3 match sa halftime, at ang shooting stars bago ang mismong laro.

Sa Shooting Stars, kadalasang kinukuha ang locals na sinasamahan ng celebrities o players.

Sa edisyon ngayong taon sa Calasiao Sports Center, patok na naman ang 3-on-3.

Sa Team A sina Robert Bolick at Javee Mocon, Alvin Patrimonio, Mike Nieto at kung matutuloy ay si Thirdy Ravena.

Sa Team B sina CJ Perez, Jesper Ayaay, Jerry Codinera, Isaac Go at Matt Nieto.

“Kapag sa labas, ibibigay namin kay Mike o kaya kay Thirdy,” pahayag ni Bolick. “’Pag sa loob, kay Kap (Patrimonio).”

Ganito rin ang estratehiya sa kabila.

“Sa labas, kay Isaac Go. Pag sa loob, ibibigay namin kay Kuya Jerry,” ani Perez.

Sina Patrimonio at Codinera ay isinahog din sa South Team ni coach Caloy Garcia. Sa North ni coach Louie Alas sina Ronnie Magsanoc at Benjie Paras.