I am keeping my fingers crossed na dahil not one, but two programs ang pagbibidahan ni Mark Herras eh parehong maging matagumpay ang mga shows.
‘Yung gaganap siyang glamour technician with Megan Young, ang Conan My Beautician, may shades ito of the Adam Sandler movie na naging parlorista rin siya.
Keribels ni Herras na maging diwata, kasi nga, likas itong maharot.
Kapag ang lalaki ay straight, mas mahusay siyang maging beki.
Mas magiging engaging to watch at mas tataas ang curiosity factor nito kung sa hombre magkakagusto ang ‘straight’ na si Conan.

Sobrang predictable kung kay Megan siya mahuhulog. Kung sa pogilicious papa titibok ang kanyang puso, tapos treated ito like the blooming of first pink romance… waging-wagi.
Medyo asiwa kasing ipilit na pwedeng magka-inlaban and dalawa.
Kasi nga, si Young, may travel buddy at may chance na maging boyfriend sa dilim no more si Mikael Daez.
Si Herras, we all know na win na win si WynWyn Marquez sa kanyang puso.
Sa pagsasamahan nila nina Yasmien Kurdi at Katrina Halili na Sa Piling ni Nanay, parang may pagkakahawig ito sa Palimos ng Pag-Ibig.
Sa TV clip nito na ‘yung tatlong characters are under the rain, give away na give away na naman ang kunot noo school of acting ni Herras.
‘Yun ang nakaka-afraid, huh?!
Hindi kaya mangayayat na naman si Mark dahil back-to-back ang trabaho niya?
Pag natuyot at naging haggard-looking bad boy of the dance floor, sino kaya ang sisihin… ang dalawa niyang shows, o si Marquez?
***
Gwapong-gwapo na ulit si JM de Guzman.
Naka-gray cap, parang maraming tulog dahil fresh na fresh ang screen.
Naka-profile shot ang kuha sa kanya kaya kitang-kita ang matangos niyang ilong.
Malamlam ang kanyang puppy dog eyes. Suot ang Pres. Digong inspired plaid polo at ang pagkanta niya sa Can’t Cry Hard Enough na accompanied with an acoustic guitar, damang-dama mo na ang melancholy in his voice is authentic.
Galing talaga sa kanyang puso. Hugot kung hugot!
Ito bang Instagram posting niyang ito is a patikim of things to come for him, na he is back to his gwapo self, mas subdued at mas controlled ang emotions at conquered na ang personal demons?
Tapos na ba ang kanyang pag-succumb sa dark side with finality?
Ayoko nang uriratin kung para kanino niya kinanta ang song. Marami siguro siyang friends or that moment, ‘yun ang unang song na pumasok sa sistema kaya niya kinanta.
‘Wag na nating i-push na baka ang kantang ‘yun ay para kay Jessy Mendiola.
It seems that the two of them eh masaya na sa kanilang individual lives at hayaan na natin sila.
Sana lang, itong IG post na ito eh hindi lang only the beginning kundi madagdagan pa.
At nawa’y ‘yung mga taong naniniwala sa talent ni JM, gives him another break.
Na may bagong career opportunities na pwede niyang i-pursue.
I hope he attends the URIAN Awards night lalo na’t nominado siya para sa Imbisibol.