Hindi umubra si Alyssa Valdez sa dati niyang team.
Hindi nagawang iligtas ni Valdez ang Bureau of Customs sa walis ng BaliPure 26-24, 25-21, 25-21 sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference kagabi sa PhilSports Arena.
Kumayod si import Katherine Morrell ng 17 points kasama ang dalawang service aces, nag-ambag ng tig-10 markers sina Angeline Gervacio at Amy Ahomiro at nilista ng Water Defenders ang unang panalo sa dalawang laro.
Nakabangon ang dating team ni Valdez mula sa four-set loss sa UST.
Kumana sina Valdez at import Kanjana Kuthaisong ng tig-16 puntos para sa Transformers na nadungisan sa 2-1.
Hindi nakasagot ng kahit isang set ang Customs kahit nakipagsabayan sa laro.
Ayon kay BaliPure veteran Charo Soriano, pinaghandaan nila ang dati nilang teammate na si Valdez kaya siya ang puntirya ng koponan.
“We really worked on our defense,” ani Soriano. “If we can stop Alyssa then it’s gonna be easier for us to get the win.”
Ngayon lang nakasama ng Transformers ang kanilang Thai reinforcements kaya nagkapaan pa sila ng laro.
Samantala, nagwagi ang Laoag laban sa Air Force 20-25, 26-24, 25-21, 26-24 sa unang laro. Kasalo ng Power Smashers ang Transformers sa second, lagapak sa 1-2 ang Lady Jet Spikers.
ang imports nmn kc kulang n kulang p s exp, galing nga thailand e ang bata naman