Alyssa: Maayos na plano para sa bansa, mga tao

Alyssa: Maayos na plano para sa bansa, mga tao

May isang hiling lang ang nais ipaabot sa pamahalaan ni volleyball phenom Alyssa Valdez sa kasagsagan ng krisis dulot ng coronavirus disease.

Hindi pangsarili kundi para sa bayan at mamamayan ang gusting iparating ng 26-year-old, 5-foot-9 at San Juan, Batangas native.

Lalong-lalo na sa apektado ng COVID-19 pandemic at maging sa apektado ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon na magtatatlong lingo na.

“Isang maganda/maayos na plano para sa bayan at mamayan, please” tweet kahapon ni Valdez, ang team skipper ng Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League.

Nitong Miyerkoles, nasa 2,311 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, maski may P275B badyet na ang administrasyon marami pa rin ang kakulangangan sa pangangailangan. (Janiel Abby Toralba)