Sa gitna ng second set ng laban ng defending champions Creamline Cool Smashers at Petro Gazz Angels Linggo, ‘di inaasahang disgrasya ang natamo ni phenom Alyssa Valdez.
Nadulas ang multi-awarded spiker habang nakatakdang mag-receive ng bola.
“Pag-change ko ng direction (na-sprain). So pagka-change ko, di ko alam kung nadulas ako o natapilok ako at the same time,” kwento ni Valdez.
Giit nito, “Yung momentum ko pa-left tapos magtsi-change ako direction ng pa-right, naiwan yung paa ko, ‘di ko alam kung nadulas o naano. Pero OK lang naman.”
‘Di agad nakabangon si Valdez at kita na may iniindang sakit ang sa kanyang left ankle.
Agad nilabas si Valdez at nilapatan ng yelo ang injured na paa.
Ayon sa kanya, “Usually nai-sprain ako pagtatalon pero ‘di ako masyado nai-sprain sa mga lateral parang first time ko.”
“Di ko pa alam (ang diagnosis) kapag natanggal ang ice siguro I’ll know,” panapos ni Valdez
‘Di na binalik si Valdez sa laban at wala pang full diagnosis sa injury niya.(Janiel Abby Toralba)