AMA namakyaw sa D-L Draft

Namakyaw ang AMA Online Education sa D-League Draft nitong Lunes sa PBA Office sa Libis.

Sorpresa pa ang Titans dahil tinapik nilang top pick overall si homegrown Reed Baclig sa pagha­handa sa liga (Aspirants’ Cup) na magbubukas sa Feb. 13.

‘Di kilala si 5-foot-7 guard Baclig, maliban sa miyembro siya ng grassroots ng Titans.

At 17-anyos lang, ma­lamang pangatawanan ng AMA ang sinabing magpapalakas ng grassroots.

Nganga ang projected top pick na si Fil-Am Jamie Malonzo, gayundin si Gilas pool member Jaydee Tungcab.

Dumausdos sa se­cond si Malonzo para sa Marinerong Pilipino, No. 3 si Tungcab sa Karate Kid-CEU. Kumumpleto sa first round si Sham Banez ng Wangs-Letran.

Mula US, dumating ng Pilipinas si Malonzo at naka-isang season din ang 6-foot-6 high-flyer sa De La Salle at miyembro pa ng Mythical Team tapos ng UAAP Season 82.

“From elementary hanggang ngayon, sa amin naglalaro,” paliwanag ni AMA assistant coach Edwin Ancheta na humalili pansamantala kay coach Mark Herrera sa draft. “Mas (tutok) kami ngayon sa school-based namin, mas gusto namin i-develop.”

Malamang, si Baclig din ang pinakabatang papasok sa D-League.

Umabot ng hanggang 20th round ang draft. VE)