Ama ni Roy Kim humingi ng tawad

Inaasahan ang pagbalik ng South Korean singer-songwriter na si Roy Kim.
Kasalukuyan itong nasa US at nag-aaral pero balitang inaayos na nito ang lahat para makauwi agad sa Korea. Haharapin na rin niya ang alegasyon sa kanya.

Si Roy Kim ang pina­kabagong K-pop Idol na lumabas ang pangalan sa kontro­bersiya. Kabilang siya sa illegal chat room na nagsi-share ng mga sexual act ng ilang babae without their knowledge or consent.

Isa umano si Roy Kim sa pinapadalhan ng illegal sex video ni Jung Joon Young. Nagkasama ang dalawa sa dating idol show noong 2012 na “Superstar K.”

Ang ama ni Roy Kim na si Kim Hong Taek, isang construction and engineering professor sa Hongik University at dating senior executive sa Seoul Takju Company na isang distillery company that produces makgeolli, ang humingi ng sorry sa isa raw sa mga klase nito.

May estudyante ng tatay ni Roy Kim ang nag-post ng naging apology nito.

Sabi raw ng tatay ng singer, “In the end, Roy Kim’s father apologized during class. What mistake did his father make? He said that it was all his fault. He said he was thinking about cancelling class, but he is retiring next year so no matter how much he thought about it, it was right to hold the class. He apologized to the students.”

Sa isang banda, tila 2016 pa lang noong unang nasangkot sa scandal si Jung Joon Young ay pinagbawalan na si Roy Kim na makipagkaibigan dito. Pero hindi raw nito sinunod ang mga magulang.
Naging best of friends pa ang dalawa.