Amalia pumanaw na

Amalia pumanaw na

Pumanaw na ang beteranang movie star na si Amalia Fuentes sa edad na 78.

Inanunsiyo ng kanyang mga apo na sina Alfonso at Alyanna Martinez ang pagpanaw ni Amalia kahapon ng umaga, Sabado, October 5.

Pahayag ni Alfonso: “It is with great sadness that I together with my siblings Alyanna and Alissa, inform you that our Grandmother, Amalia Amador Muhlach has taken her last breath this morning in the Philippines.

“She is now reunited with her husband Joey Stevens, our mother Anna-Lissa Martinez and her ex-husband, our Lolo Bobby.

“We have prayed for nothing but peace for her and now she can finally rest.

“Our family only asks that you respect our privacy during this time and join us in praying for her soul.”

Sina Alyanna at Alfonso ay dalawa sa tatlong apo ni Amalia sa kanyang nag-iisang anak na si Liezl Martinez, na namatay dahil sa breast cancer, sa edad na 47, noong March 14, 2015.

Ang ama nina Alyanna, Alfonso, at Alissa ay ang aktor na si Albert Martinez.

Noong October 2015, ilang buwan lamang makalipas pumanaw ni Liezl, ay na-stroke si Amalia habang nagbabakasyon sa South Korea.

Mula noon ay naging bedridden na ang beteranang aktres.

Muli lang siyang nasilayan ng publiko sa birthday party ng kanyang kapatid na si Alex Muhlach noong June 2017.

Si Amalia ay binansagan bilang “Elizabeth Taylor of the Philippines” dahil sa pagkakahawig niya sa yumao na ring legendary Hollywood actress.

Nagsimula ang movie career ni Amalia nang manalo sila ni Juancho Gutierrez bilang Mr. & Ms. Number One ng Sampaguita Pictures noong 1956.

Noong taong ding iyon ay inilunsad sina Amalia at Juancho sa pamamagitan ng pelikulang Movie Fan.

Pagkatapos nito ay nagkasunod-sunod na ang pagtatambal nila sa mga pelikula kabilang na ang “Rodora” (1956), “Sonata” (1957), “Pakiusap” (1959), at “Ang Senyorito at Ang Atsay” (1963).

Ngunit mas naging popular ang love team ni Amalia sa aktor na si Romeo Vasquez, na kalaunan ay napangasawa niya.

Dalawang beses siyang nanalong Best Actress – una noong 1966 para sa “Ibulong Mo sa Hangin” at noong 1973 Manila Film Festival para sa “Pag-ibig Mo Buhay Ko”.

Tony Mabesa yumao na

Pumanaw rin kahapon ang batikang stage actor, director at guro na si Tony Mabesa, na huling napanood sa pelikulang “Rainbow’s Sunset”, big winner sa 2018 Metro Manila Film Festival.

“We, the family of Antonio Mabesa, are saddened to announce his passing. Sir Tony joined his creator at 10:20 this evening. He was surrounded by family and friends. Details of his wake will be announced tomorrow. We thank you for your prayers. We hope you can respect the family’s wish for privacy at this time.”

Ang mensahe mula sa family ni Sir Tony ay ibinahagi ng screenwriter at director na si Floy Quintos.

Si G. Tony Mabesa ay binansagan na “Lion of Theatre”.Ipinanganak siya noong Enero 27, 1935 sa probinsya ng Los Baños, Laguna. Nagtapos siya ng BS Agriculture sa University of the Philippines-Los Baños noong 1956 at tinapos ang kanyang master’s degree in education sa University of Delaware noong 1969.

Siya ang nagtatag ng Dulaang UP at ng UP Playwrights Theatre sa Unibersidad ng Pilipinas.

Kabilang sa kanyang mga pelikula ay ang “Rainbow’s Sunset”, “Kristo” at “Tukso, Layuan Mo Ako”.

Nagwagi siya ng best supporting actor award sa Metro Manila Film Festival last year para sa “Rainbow’s Sunset” na dinirek ni Joel Lamangan.

Mga fan ng JaDine umaklas kina James-Nancy

Violent daw ang naging reaction ng mga fans ni Nadine Lustre dahil sa balitang gagawa ng pelikula ang boyfriend nitong si James Reid, kasama si Nancy ng Momoland.

Pero ‘di maganda ang reaction ng JaDine fans kaya raw itong si James ay pinagsabihan diumano nila na mag-backout sa pelikula na project ng Dreamscape at ididirek ni Antoinette Jadaone.

Kung dati ay threat sa career ng KathNiel ang tandem nina James at Nadine, mukhang malabo na nilang magawa ito ngayon. Umalis na si James sa Viva at mas gustong mag-focus sa kanyang musika.

How true na gusto na ring umalis ni Nadine sa Viva? Kasi wala na roon si James.

Baka naniniwala si Nadine na malakas lang ang tandem nila ni James kung magkasama silang dalawa.