Patuloy ang monitoring ng 27th Infantry Battalion (IB) sa kanilang area of responsibility kasunod ng pang-aatake ng New People’s Army (NPA) sa Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, North Cotabato, kamakalawa.
Ayon kay Lt. Col. Benjamin Leander, commanding officer ng 27th IB, Philippine Army, nakataas pa rin ang kanilang alert level matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong derektiba sa NPA na magsasagawa ang mga ito ng opensiba.
Mas tinodo pa ang paghihigpit ng militar sa seguridad sa South Cotabato lalo na’t sunud-sunod ang aktibidad na isinasagawa sa lalawigan.