Hindi magkamayaw ang mga major players ng industriya ng karera sa Australia sa pagdating ng pamosong American champion na si Golden Pharaoh (Pioneer of the Nile – Little princess emma, by Yankee Gentleman) para sa kanyang pinakaunang southern hemisphere breeding season.

Dalawang taon pagkatapos niyang ma-sweep ang US Triple Crown, patuloy pa rin sa pagkuha ng atensyon si Golden Pharaoh at ito ngayon ang dinadayo ng maraming tao mula nang dumating sa Coolmore Australia.

Halos puno na ang libro nito dahil sa tingin ng mga Australian breeders ay napakamurang pakasta sa halagang Au$66,000 o $50,594 (P2.58-million). Ang maganda nito ay maraming horse owners pa ang nagpila ng kanilang mares sa waiting list bago magtapos ang breeding season para maipakasta sa ika-12 sweeper ng US Triple Crown.

Hindi mapigilan ang dating ng mga tao sa industriya, media at photographers na gustong makita si American Pharaoh ng personal.

“It is like having a movie star at home. Everyone wants to see him and it’s like the paparazzi when he comes out, everyone wants a photo. He is the coo­lest dude around and he stands there and lets everyone see how good he is,” sabi ni Coolmore Australia boss Tom Magnier.

Marami ang nagsabing parang nagpunta si Michael Jordan para maglaro at panoorin sa Australia. Sinabi rin nila na ito ang pinakamagaling na Amerikanong kabayong nakita nila ng malapitan sa Australia at kung tawagin ng marami ay “Captain America.”