Pinunan ni Mychal Lemar Ammons ang stats sheet niya ng 25 points, 19 rebounds, apat assists, dalawang blocks at isang steal upang maligwak ng NorthPort ang Rain or Shine, 97-92, sa 44th Philippine Basketball Association Governors Cup elims 2nd game Biyernes nang gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hinatian ng NP sa limelight ang Columbian na sinagasaan ang kulang sa tao na Alaska Milk, 117-110, sa panghimagas na sultada.
Sa 3-2 at 6-5 lang nagmanibela ang RoS, huling nagbuhol ang dalawa sa 11-all, saka rumatsada ng 18-2 ang Batang Pier na tinimunan ni Jerry King.
Kinayod doon ni King ang anim sa walong puntos niya sa may huling limang minuto ng first quarter kaya mula sa 11-all ay sinara ito ng winning team sa 29-13 para ‘di na lumingon at ang magarang binyag din sa season-ending conference.
May respetado ring 22 marker, 14 board at 4 feed si Joel Dwayne Wright sa matchup nila ni Ammons. Pero kinulang ang rally ng Elasto Painters tapos maiwanan ng 37 points.
Ang iskor:
NorthPort 99 – Ammons 25, Bolick 20, Ferrer 12, King 8, Lanete 8, Cruz 6, Tautuaa 5, Elorde 4, Taha 4, Escoto 4, Mercado 3.
Rain or Shine 94 – Wright 22, Nambatac 19, Yap 15, Belga 11, Norwood 7, Mocon 7, Daquioag 5, Ponferada 3, Torres 3, Exciminiano 2
Quarterscores: 29-13, 58-38, 83-66, 99-94. (Lito Oredo)