Para masolusyunan ang masisikip na kulungan, iminungkahi ni Buhay Rep. Lito Atienza na magpatupad ng general amnesty sa mga preso na naka­kulong na ng mahabang panahon.

Ayon kay Atienza, maaaring gawin ang ganitong hakbang sa mga preso na may mga minor cases lamang at hindi pa nasentensyahan ng korte subalit nakulong na ng dapat na parusa sa kaso nito.

Giit ng mambabatas, maraming bilanggo ang nasa ganitong sitwasyon dahil na rin sa mabagal na sistema ng hustisya sa Pilipinas at kung mabibigyan ng amnestiya ang mga ito ay malaking menos din sa parte ng gobyerno.

Para maipatupad ang panukala ni Atienza, maaari umanong magpatibay ng isang resolusyon sa Kongreso na bibigyang authorization naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

One Response

  1. Sana lang hindi maging selective ang pagbibigay ng Amnesty… baka nman mauna pa makalaya yung mga mayayaman na nasa ganung sitwasyon kesa dun sa mahihirap na mas matagal na nakakulong palibhasa walang abogado na magtatrabaho para sa kanila…sana simulan dun sa pinakamatagal na nakakulong na hindi pa rin nasesentensyaha kahit na nga yung pagkakulong eh sobra na sa parusang dapat nilang ilagi sa kulungan…pero kung convicted na, ibang usapan na yan…