Amo sinalisihan ni Inday sa dyowang German

KAPITBAHAY MO,I-BLIND ITEM MO

Good morning sa inyong lahat! I’m Queenie from Marikina. Ikukuwento ko sa inyo itong weirdong kuwento ng kapitbahay namin. Si Lynette at ‘yung boyfriend niyang German na si Norbert. May tatlong na buwan na silang nagsasama. Hindi pa sila nakakaalis papuntang Germany dahil marami pa raw inaasikaso si Lynette na mga bagay-bagay dito. Doon nila balak magpakasal sa Germany.

Meron silang katulong. Ang balita po dito sa amin, pati ‘yung katulong daw ay karelasyon ni Norbert. Pag umaalis si Lynette at naiiwan si Norbert sa bahay at ang katulong, may nagaganap po.

Kaya naman ‘yan kumalat eh dahil itong ka­tulong nila ay kinuwento sa katulong namin. Magkaibigan kasi ‘yan. Ito namang katulong namin eh madaldal din kaya ‘di napigilang ikuwento din sa akin at sa iba pa niyang friendships na mga kasambahay.

Ang sabi niya, wala daw ka-alam alam si Lynette sa nangyayari.Ito daw kaseng si Lynette ang dalas umalis ng bahay dahil may inaasikasong lupa sa probinsya nila. Ayaw naman daw sumama ni Norbert dahil naiinitan daw sa labas.

Gustong-gusto naman daw nu’ng katulong ang nangyayari dahil bukod sa may gusto siya sa German eh binibigyan din daw siya ng pera nito. Kaya tuwing umaalis si Lynette tuwang tuwa na siya at naliligo na agad. Para daw hindi sila mahuli, tinatawagan ni Norbert ang asawa niya para alam kung malayo pa o malapit ng umuwi ng bahay. Kaya pag malapit na dumating si Lynette, tuloy ang gawaing bahay ng katulong!

Pero pag nasa bahay si Lynette ay hindi daw sila nagpapansinan ng German para hindi mahalata ni Lynette na may nagaganap na milagro.

Ngayon ang tsika ng katulong ko ay buntis daw ang kasambahay nila Lynette, 3 months na. Hanggang ngayon wala pang alam sila Lynette! Pero alam na ni Norbert na buntis ang katulong at siya ang ama! Natuwa daw ito at ‘wag na lang daw sabihin kay Lynette.

Siguradong pag nanganak ‘yung katulong mabubuko sila ni Norbert dahil sa lakas ng dugo ng mga foreigners di nila makakaila yun! Mala­king gulo ito!