Amores, Heavy Bombers buhos inis kontra Generals

Pulikat tiniis ni Miranda; JRU alpas sa AU

Malamang maging pangunahing armas ni Jose Rizal University coach Louie Gonzales sina John Amores at Agem Miranda para bumawi sa pagkompronta Heavy Bombers sa Emilio Aguinaldo College sa ratratan ngayong Huwebes sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament first round eliminations sa JRU Gym sa Mandaluyong.

Pasabog si Amores ng 23 points at agapay ng 13 markers si Miranda sa pagtiklop ng JRU sa L­yceum of the Philippines University nitong Biyernes, 95-77, na nag-lagot ng kambal na ragasa sa 10-team cagefest.

Gayunman, nananati-ling patok ang game host Mandaluyong-based dribblers dahil nasa tatlong pagkabistay ang Generals, huli ang 86-77 pananambang ng 2019-20 host Arellano University maski bumoga 26 pts. si John Paul Maguliano.

Bumalibag ang Bom-bers sa pagka-ejected nina Gonzales sa 2nd technical fouls sa laro at Miranda na pinituhan ng disqualifying foul sa pagsuntok sa tiyan ni Beirn Laurente. (Aivan U. Episcope)